That was the horrifying part. The "amazed" part was that I realized that technology really has gone a LOOOONG way. Like, back then in fanfiction.net, when you want your work to be beta-read (edited) by someone you know/trust in the site, you first had to mutually establish a connection in the site (somewhat like exchanging numbers) and then you send over the filed to be edited to your beta-reader (or editor) which you had to be careful about. You had to send it in Docx form (not Story form) or else it won't be sent. Then you wait for a few days until your beta-reader returns all the edits to your story which is sent via a new file.
I went through this process for years in FF both as a person who wanted their work beta-read and as a beta-reader myself. And it was tedious because you only had 7 days before the Docx file expires and you're not in the internet all the time and if you're confused with some parts you each had to send over so many files over and over and over.
Which is why I'm so happy that things like the Google Docs exist. It makes the beta-reading process so much easier. Plus, every action can been there so both people can get to participate in the editing.
For my final story, I'll be posting the Greek mythology-based play we used in senior year AND IT'S IN FILIPINO BWAHAHAHAHA. This was one of the story where I wished the Google Docs existed because I don't think most teachers know that writing plays in high school is very hard and with a time constraint of 30 minutes to cram everything is even harder.
Hope you enjoy this one!
Paradoxum
Homo et Deus
(Ang Apoy ng Pag-Asa)
(Apat na upuan ay
makikita sa stage. Unang lalabas si Nemocyne na may hawak hawak na punit-punit
na mga piraso ng tela at uupo sa unang upuan. Susunod sa kanya si Hades,
nakasuot ng mga itim na kasuotan at saka uupo sa ikalawang upuan. Si Prometheus
ang susunod na papasok, ngingiti at tatawa sa harapan ng unang dalawa, saka ito
uupo sa pangatlong upuan. Huling papasok si Zeus, maglalabas ng kulog saka uupo sa ikaapat na upuan.
Pagkaupo nilang apat ay saka sila sunod-sunod na magsasalita.)
Nemocyne:
Kailangang mamatay ang mga tao. Hindi sila dapat karapat-dapat mamuhay pa dito. Kailan pa ba naging mabuting pakinabang ang mga tao sa mga imortal na nilalang tulad ko? Sila’y mahihina, mga bobo at mga walang kwenta. Mga pabigat lamang sila sa amin.

Hades:
Kahit na! Kailangang maligtas ang mga tao. Totoo marami silang mga nagawang palpak at walang kakwenta-kwenta, ngunit sila’y ginawa para tulungan tayong lahat. Sila’y nilikha para makapagbigay sa amin ng leksiyon. Oo, nakikita ko lamang sila nang sila’y patay na, pero ang tao ay tao. May mabuti silang maidudulot.

Prometheus:
Nakakatuwa ang mga mortal. Depende na lang sa kanila kung ano mangyayari sa kanilang buhay. May nagawa silang mabubuti, may nagawa silang masasama. May pumapatay, bakit may digmaan… Sabagay, may tumutulong din at may pag-ibig na walang hanggan. Hindi ko sila maitindihan.

Zeus:
Hindi ko na alam kung ano talaga ang aking pasya. Ano ba talaga ang sinasabi ng mga orakulo ni Apollo? Hindi ba sinasabing magiging mga masunurin at matapat na lingkod ang mga tao sa amin? Bakit ngayon, kung kailan namumuno ang kapayapaan at kabutihan, ay kung kailan sila susuway sa kanilang mga pinuno? Bakit? Bakit?

LAHAT:
Matagal na akong nanirahan sa mundong ito, at isa lamang ang masasabi ko…

(Ngayon naman ay
mabilis ang pagkakasunod-sunod ng kanilang pananalita)
Nemocyne:
Patayin ang mga tao.
Patayin ang mga tao.
Hades:
Iligtas ang mga tao.
Iligtas ang mga tao.
Prometheus:
Bahala na ang mga tao.
Bahala na ang mga tao.
Zeus:
Paano na ang mga tao?
Paano na ang mga tao?
Nemocyne:
Patayin.
Patayin.
Hades:
Iligtas.
Iligtas.
Prometheus:
Bahala na.
Bahala na.
Zeus:
Ano ba talaga?!
Ano ba talaga?!
(Biglang lalabas si
Gaea at hahaplusin ang bawat nilalang habang siya’y nagsasalita)
Gaea:
Mga anak ko. Huwag na kayong mag-away. Hindi niyo ba natatandaan na ginawa ko ang lahat para lahat kayo ay mabuhay sa mundong ito? Hindi niyo ba naaalala na hinarap ko ang sarili kong asawa para lang mailigtas kayo? Lahat kayo ay itunuturing kong mga anak. Huwag na kayong mag-away. Iyan lamang ang hinihiling ko.
Nemocyne:
Pero, paano na ang...
Pero, paano na ang...
Hades:
Hindi mo ba naiisip na…
Hindi mo ba naiisip na…
Prometheus:
Sigurado ka sa desisyong…
Sigurado ka sa desisyong…
Zeus:
Gaea, ano ang nais mong gawin namin para maayos na ito?

Alamin ninyo kung ano ang mangyayari. Bibigyan ko kayo muli ng isang linggo bago ang summer solstice para malaman kung ano ang mga totoong nangyari. Hanggang doon lamang ang nakakaabot ng kapangyarihan ko na hindi nakakaistorbo sa tatlong tadhana.

(Titingin muli si
Gaea sa apat bago siya’y lalabas, SL. )
Nemocyne:
Ipaghihiganti ko ang aking anak.
Ipaghihiganti ko ang aking anak.
Hades:
Ipagtatanggol ko ang mga tao.
Ipagtatanggol ko ang mga tao.
Prometheus:
Dito natin malalaman kung paano nagsimula ang lahat.

Mula sa trahedyang ito, sana’y maayos na ang digmaan ng mga nilalang.

(Patay ilaw/takip ng
kurtina, pagkabukas ay ipapakita ang mga Olympians na nag-uusap ng matindi sa
kanilang nakikita. Labindalawang upuan, na may sari-sariling disenyo depende
kung sino ang panginoong nakaupo dito, ang nakalagay sa gilid na bumubuo sa isang
“V”. Sa gitna ay isang puting altar, kung saan dapat nakalagay ang apoy ng Olympus.
Malapit sa hagdan sa ilalim ng altar ay isa sa mga siyam na Muse na sugatan.)
Artemis:
Kailangan natin makausap si Thalia ukol dito. Hindi natin malalaman ang solusyon sa ating problema nang tayo’y nag-aaway lamang.

Hera:
Hindi na natin kailangan tanungin pa ang
kalagayan niya. Siya ay isang panggulo sa atin sa paghahanap kung sino nga ang
magnanakaw.
Artemis:
Mahal na Reyna, hindi naman sa ninanais ko ito, ngunit… (titingin sa mga tala sa bituin bago haharap muli kay Hera.)… kakaonti na lamang ang oras natin. Kailangan na natin ito matapos bago ang pagpupulong sapagkat wala pa ring sinasabing propesiya mula sa tatlong tadhana. (Titingin sa kaliwa) Apollo, saan ka naman pupunta? Hindi ka na naman ba maghahabol ng mga diwata sa bundok?

Apollo:
Iilang oras mula rito ay kailangan ko nang pasikatin ang araw sa mundo. Wala na akong oras sa paghahabol... sa ngayon. (titingin at ngingiti kay Thalia) Ang nakikita lamang ng aking mga orakulo ay apoy at espada na nag-aaway. (Haharap kay Zeus) Haring Zeus, kailangan ko na umalis.

Magpatuloy ka na sa iyong mga tungkulin.
Magpatuloy ka na sa iyong mga tungkulin.
Apollo:
Su susunod muli, binibini. (Saka kikindat kay Thalia)

(Aalis si Apollo, SR.
Pagkaalis ni Apollo ay didiretso si Hera kay Thalia at sisimulan siya tanungin
ukol sa nawalang apoy.)
Hera:
Sino ang kumuha ng apoy ng Olympus? Sino?

Thalia:
Si…Si…
Si…Si…
Hera:
Sumagot ka! Sino? Nakasalalay ang buhay nating lahat sa mga nakita ng mga mata mo.

Si… Si…
Si… Si…
Hera:
Sumagot ka!
Sumagot ka!
Zeus:
Hera, itigil mo na iyan. (Pagkasigaw ni Zeus saka maririnig ng malakas ang mga kulog sa Olympus.) Hindi ngayon oras para magalit sa isa sa mga anak ko. Hindi ito isang laro.

Masusunod, mahal na hari. (Magaglit ngunit lalayo kay Thalia at uupo na lamang sa kanyang upuan.)

Hestia:
Zeus, kung ako ang kumausap kay Thalia?
Zeus, kung ako ang kumausap kay Thalia?
Zeus:
(Tutungo kay Hestia bago ititigil ang mga kidlat sa kalangitan.)
Hestia:
(Luluhod malapit kay Thalia) Ano ang nararamdaman mo, Thalia?
(Luluhod malapit kay Thalia) Ano ang nararamdaman mo, Thalia?
Thalia:
Hestia! (Malulungkot bago ito magsasalita.) Patawarin ninyo po kami. Kahit pagbantay lamang ng apoy ng Olympus ay hindi naming nagawa habang ika’y may inaayos sa naganap na digmaan. Patawarin niyo po kami.

Nais mo kaming tulungan?
Thalia:
Opo.
Opo.
Hestia:
Kung gayon, maaari mo ba sabihin sa amin kung ano ang mga iyong nakita?

Habang wala kayo ay nandito lang kaming magkakapatid tumutugtog, kumakanta at sumasayaw habang binabantayan ang apoy. Ngunit, sa isang iglap, may nakita kaming malaking apoy na kumalat sa buong templo. Ako’y nagtago sa likod ng upuan ni Panginoong Hephaestus para ako’y hindi matamaan ng apoy. Doon ako nagtago hangga’t naramdaman ko na nawala na ang init at siklab nito. Ngunit, pagkalabas ko sa likod ng upuan, ang aking mga kaptid… Lahat sila’y…

Hindi sila namatay, Thalia. Malala man ang kanilang mga sugat, hindi sila mamamatay.

Nais mo bang makita ang iyong ina, Thalia?
Nais mo bang makita ang iyong ina, Thalia?
Thalia:
Opo.
Opo.
(Mag-uusap ang dalawa
sa isang sulok habang ang ibang mga Olympians ay patuloy na nag-uusap.)
Zeus:
Apoy… nakita ni Thalia ay apoy.
Apoy… nakita ni Thalia ay apoy.
Athena:
Hephaestus, hindi ba ikaw ang diyos ng apoy?
Hephaestus, hindi ba ikaw ang diyos ng apoy?
Artemis:
Ikaw, Hephaestus, ang kumuha ng apoy ng Olympus? Bakit mo pa kukunin ang apoy ng Olympus kung kaya mo naman gumawa ng sarili mo? Gusto mo ba tayo mamatay?

Ares:
Ha! Kung gusto mo lang magkaroon ng digmaan, dapat sinabi mo lang sa akin. Ang dami mo pang ginawa para lang makamit ang kahilingan na iyon.

Hephaestus:
Kalma lang. Hindi ako kumuha ng apoy ng Olympus. Bakit ko pa ito kukunin? Ayaw ko magkroon ng digmaan dito pagkatapos lang ng digmaan ng mga tao. Nais ko lamang ay magkaroon ng kapayapaan sa ating pamilya.

Pamilya nga daw ba?
Pamilya nga daw ba?
Hephaestus:
Oo, aking INA. Isang mapayapa at maayos na pamilya lang ninanais ko. Ngunit, kahit isang simpleng kahilingan tulad noon ay hindi ko makakamit.

Aphrodite:
(Lalapit kay Hephaestus at kakapit sa kanyang braso.) Maayos rin ang lahat, aking asawa. Huwag ka mag-alala.

Asawa? Matatawag mo pa ba akong asawa pagkatapos ng lahat na ginawa mo?
Asawa? Matatawag mo pa ba akong asawa pagkatapos ng lahat na ginawa mo?
Aphrodite:
Hindi na muna importante ang mga problema nating… (titingin kay Ares bago babalik kay Hephaestus.) dalawa. Saka na natin ito ayusin kapag nabawi na natin ang apoy .

(Haharap na muli kay Zeus) Zeus, aking ama, ano ang binabalak niyo?

Kailangan isa lamang ang maghahanap ng apoy natin.

(Magkakaroon muli ng
gulo sa templo dahil sa mga reaksyon ng mga diyos at diyosa.)
Athena:
Bakit iisa lamang? Hindi ba’t mas maganda na marami tayong maghahanap para mas marami tayong masakop na lugar?

Poseidon:
Hindi na kailangan ng marami, Athena. Ako at ang aking mga alagad ay sapat na para mahanap ang apoy natin. Kung marami ang maghahanap ay siguradong magkakagulo tayo.

Pero, hindi ba’t…
Pero, hindi ba’t…
Ares:
Athena, manahimik ka. Paminsan na nga lang sila mag-away, tatapusin mo kaagad.

Nasisiyahan ka pa dito?
Nasisiyahan ka pa dito?
Ares:
(Tatawa at ilalabas ang kahit anong sandatang hawak niya) Hindi pa ba naging halata iyon sa nangyaring digmaan?

Ikaw--! (Titigil sa kanyang pananalita at haharap na lamang kay Zeus.)

Poseidon, wala akong sinasabing ikaw ang mamamahala sa paghahanap ng apoy. Hindi ikaw ang inaatasan kong maghanap para sa atin.

Sigurado ka ba diyan sa iyong sinasabi, Zeus? Ako’y diyos ng tubig. Madali ko mahahanap ang apoy dahil isa iyan sa mga kahinaan ko.

Hindi Poseidon. Mayroon akong kilalang may mas magaling na abilidad para mahanap ito.

At sino naman iyon? Sana naman kung sino iya’y kaya mahanap ang apoy sa loob ng
apat na araw.
Zeus:
Kayang-kaya niya ito. Sinisigurado ko ito.
Kayang-kaya niya ito. Sinisigurado ko ito.
Poseidon:
Umaga na muli Zeus. Kailangan ko na bumalik sa dagat. At ang iba’y may kani-kanilang responsibilidad rin. Tandaan mo, Zeus. Nakasalalay ang lahat kung sinuman ang pipiliin mo.

(Lalabas ang lahat
pero mahuhuli si Hermes.)
Zeus:
Hermes, halika.
Hermes, halika.
Hermes:
Bakit po, mahal na hari?
Bakit po, mahal na hari?
Zeus:
Mayroon akong iuutos sa iyo at naniniwala akong magagawa mo ito ng mabilis.

Ano po iyon?
Ano po iyon?
Zeus:
Ikaw ang inaatasan ko sa paghahanap ng ating apoy. Naniniwala akong sapat ang kakayahan mo para magawa ito bago dumating ang summer solstice o ang pagpupulong ng lahat.

Masusunod ito, mahal na hari.
Masusunod ito, mahal na hari.
(Naglalakad papalayo
si Hermes na kanyang napagtanto na siya ang inutusan ni Zeus para mabawi ang
apoy. Pagtalikod niya’y hindi si Zeus ang kanyang nakita, kung hindi si
Athena.)
Athena:
Tama pala ang hinala ko na ikaw ang uutusan ni ama.
Tama pala ang hinala ko na ikaw ang uutusan ni ama.
Hermes:
Ha? Paano mo nalaman? Ikaw ba ang nagsabi sa kanya na ako ang dapat maghanap?

Hindi.
Hindi.
(Maglalakad si Athena
na nakatingin kay Hermes nang pabilog. Pagkatapos niya ito maikot ay saka niya
ibibigay ang isang jar sa kanya.)
Athena:
Nectar. Kailangan mo magsimula mangolekta ng impormasyon mula sa iba. Magmadali ka rin. (Aalis si Athena, SR.)

(Iimbestigahan ni
Hermes ang paligid. May makikita siyang maliit na pirasong tela malapit sa
altar. Titignan niya rin ang mga upuan ng mga diyos at makakakita ng mga mantsa
ng gintong dugo sa mga ibang upuan. Tinignan niya ang mga upuan muli at
napansin na ang upuan lamang ni Zeus at Hephaestus ang mga hindi natamaan ng
apoy. May nakita rin siyang mga marka ng espada sa sahig ng templo. Pagkatapos
niya tignan lahat ay lumapit siya sa isang balong sa sulok ng templo at
nag-alay ng isan drachma.)
Hermes:
O Iris, diyosa ng bahaghari, ipakita mo sa akin ngayon si Cronus, diyos ng panahon.

(Lalabas at
magpapakita si Iris sa harapan ng fountain nang nakapikit. Magbubukas lamang
ang kanyang mata nang makaluhod na si Hermes.)
Iris:
Ayaw ni Cronus magpakita ngayon sa mga Olympians. Siya’y may inaasikaso pa kasama ng kanyang mga kapatid. Maghintay ka na lamang ng mga ilang siglo para siya’y makausap mo.

Siglo? Wala ng aabutin pa ang Olympus kung siglo pa ang ihihintay ko.

Paumanhin, ngunit wala siyang intension lumapit sa inyo muli. Ayaw niyang makisalamuha sa mga diyos na hindi kaya maipagtanggol ang sarili nilang tirahan.

Dalhin mo ako sa kanya ngayon.
Dalhin mo ako sa kanya ngayon.
Iris:
Ipagpaumanhin, ngunit hindi ako transporter.
Matatagpuan mo na lamang siya sa bundok ng Orthrys. Hangga’t hindi matatagpuan
ang apoy, hindi maaaring nakalagay ang mga Titan sa Tartarus. Sa Orthrys muna inilagay
sila ni Hades.
Hermes:
Salamat, Iris.
Salamat, Iris.
(Tatayo
si Hermes saka lilipad papuntang Mt. Orthrys.)
(Naglalakad si Hermes
sa templo ng Orthrys nang sinalubong siya ni Cronus at iba pang mga Titan.
Makikita na buhat-buhat pa rin ni Atlas ang kalangitan sa kanyang mga balikat
habang si Prometheus at Uranus ay naguusap sa kanilang altar.)
Cronus:
(Tatayo sa kanyang trono saka lalapit kay Hermes.) Hindi ba sinabi ni Iris na wala akong nais para makipag-usap sa inyo?

Maipapangako ko na magiging mabilis ito. Ibig ko lang malaman kung nasa inyo man ang apoy namin.

(Tatawa ang mga Titan
ngunit si Atlas ang unang titigil sa kanyang pagtawa at tatanungin kay Hermes.)
Atlas:
Paano mo naman nasabing kami ang nagnakaw ng apoy?
Paano mo naman nasabing kami ang nagnakaw ng apoy?
Hermes:
Hindi niyo ba nais makalaya mula sa Tartarus o kaya sa mga parusa niyong walang tigil? Madali lang manakaw ang apoy mula sa mga siyam na muses na aming ipinabantay.

May punto ka diyan ngunit, kung mapapansin mo, mahina pa rin kami. Kulang pa rin ang kapangyarihan namin. Kung talagang ninais talaga naming makalaya, dapat hindi ko na dapat binubuhat ang langit na ito at kanina pa kayo nakikipaglaban sa amin.

Uranus:
Wala ka bang kaalam-alam na ang nagnakaw ng apoy ay isang tao?
Wala ka bang kaalam-alam na ang nagnakaw ng apoy ay isang tao?
Hermes:
Isang tao?
Isang tao?
Uranus:
Hindi. Ito’y kabayong naglalakad sa dalawang paa na nakakapagsalita. Oo, tao, Hermes. TAO.

Hindi. Niloloko niyo lang ako. Hindi ako naniniwalang na tao ang nakalusot sa amin templo, na halos sunugin na ang lahat ng mga gamit nito, masugatan na malala ang siyam na muses at makaalis kasama ang aming pinakamahalagang kayamanan. Diyos lamang ang kaya makagawa nito.

Ah, ngunit may tumulong sa kanya. Imposible na hindi ito magagawa ng isang tao lamang.

Sino? Sino ito?
Sino? Sino ito?
Prometheus:
Tanungin mo sa kapwa mong Olympians. Hindi ba’t marami sa inyo’y may nais maputol ang iyong pamilya? Tulad nina Aphrodite at Ares? Huwag mo kalimutan ang tito mong si Hades na nakahiwalay sa Olympus.

Pero… bakit nila mapipili ang tao para gawin ito?
Pero… bakit nila mapipili ang tao para gawin ito?
Uranus:
Nakakatuwa, sa totoo lang, ang sitwasyon niyo. Dumedepende pa sa tao. Ha! Wala kaming pakialam diyan sa mga tao. Hindi na sila importante para sa amin.

Tinulungan ko nga sila noon, pero nag-iba na ang sitwasyon ngayon. Binigyan ko sila ng apoy, sila’y umunlad ngunit ako ang pinarusahan. Buti na nga lang at may nakaligtas sa akin. Pero kahit tinulungan ako noon, hindi ibig sabihin tutulong na ako muli sa inyo. Bahala na lang ang tatlong tadhana sa magiging kapalaran ng mga nilikhang tao.

(Ititigil ni Cronus
ang oras muli at kakausapin si Hermes na may seryosong tono, kasalungat ng
ginamit ng mga una niyang kapatid.)
Cronus:
Hermes, tandaan mo ito. Magkakaroon nga ng panahon na makakatakas kami mula dito. Makakalaya rin kami dito balang araw at magkakaroon muli ng digmaan. Pero, sa ngayon, kami ay mananahimik sa inyong suliranin. Marami na kayong ginawa para mawala ang balanse ng mundo. (Sa galaw na kanyang kamay, magpapalit ng posisyon ang buwan at araw at ibabalik muli.) Iniba ni Gaea ang panahon para matapos niyo ito. Huwag niyo hayaang mapunta ito sa wala.

(Maglalakad paalis si
Hades nang siya’y may napansin. Inikot niya saglit ang templo bago siya humarap
muli kay Cronus.)
Hermes:
Bakit… Bakit wala dito sa Mnemocyne? Siya ang ina ng siyam na Muses. Ayaw niya ba malaman kung ano nangyari sa kanyang mga anak? Hindi niya ba nais makamit ang mga detalye ukol sa mga nangyari?

Kasama niya ang ibang mga diwata sa pag-aalaga ng kanyang mga anak. Saka mo na siya makikita sa aummer solstice. Maipapayo ko lamang sa’yo ay kausapin ang mga Olympians na may pinakamalakas na motibo para maputol ang inyong pamilya. (Gagalaw muli ang oras.) At, masasabi ko na handa siya kalabanin kayo kapag hindi niya nakamit ang hustisya.

Salamat at paalam po.
Salamat at paalam po.
(Lilipad si Hermes sa
Underworld kung saan makikitang nag-aaway ang mag-asawa at ang inang naiirita
sa dalawa. Sila’y nakatayo sa isang malungkot at mapanglaw na hardin. Kadalasan
ay may makikita na nalutang na kaluluwa, na kaagad rin mawawala.)
Hades:
Bakit ba ang lungkot-lungkot mo? Hindi ba’t ikaw mismo ang lumapit sa akin nang ika’y nasa taas pa naman? Hindi ba’t sinabi mo na ninais mong mapalayo sa iyong ina’t at makita ang mundo sa labas ng iyong munting tahanan?

Persephone:
Ibig kong makita ang kagandahan ng mundo, hindi sa madilim at makulimlim na lugar tulad na ito. Ipinangako mo sa akin na ipapakita mo kung ano ang mga maririkit at kanais-nais sa mundo, hindi nakatigil sa isang lugar na halos puro kaluluwa lamang ang iyong mga nakakausap at nakikita araw-araw.

Ipinangako ko nga iyon at tutuparin ko iyon.
Ipinangako ko nga iyon at tutuparin ko iyon.
Persephone:
Ilang siglo na ang dumaan, Hades. Wala pa ring bunga ang ipinangako mo sakin.

Kaunting hintay na lang at makakamit mo ito.
Kaunting hintay na lang at makakamit mo ito.
Persephone:
Lagi na lamang ako naghihintay. Inaabangan ko na lang ang panahon kasama ang aking ina sa itaas kaysa sa mga oras na kasama kita.

Hindi ka na malulungkot dito.
Hindi ka na malulungkot dito.
Persephone:
At ilang beses mo na sinabi sa akin ‘yan?

Demeter:
Tumigil na nga kayo dalawa. Hindi niyo ba napapansin na may bisita kayo?

(Mapapatigil ang
dalawa sa kanilang pag-aaway at haharap kay Hermes, CS.)
Hermes:
Pumunta ako dito ayon sa utos ni Zeus.
Pumunta ako dito ayon sa utos ni Zeus.
Hades:
Kung hinahanap mo ang apoy, wala ito dito.
Kung hinahanap mo ang apoy, wala ito dito.
Demeter:
Ayan ka na naman, Hades. Inuunahan lagi ang bisita. Paminsan na nga lang ako pumunta dito para puntahan ang aking anak, ganyan rin ang pagtrato mo para sa ibang bisita? Hanga talaga ako sa iyo.

Pero, totoo naman ang kanyang sinabi. Wala dito ang apoy.

Bakit mo naman nasabi na ako ang kukuha ng apoy?
Bakit mo naman nasabi na ako ang kukuha ng apoy?
Hermes:
Hindi sa inaakusahan kita. Ngunit, sa lahat ng mga diyos at diyosa, ikaw ay ang may pinakamalaking kapangyarihan para maka-impluwensiya ng tao kasunod kay Aphrodite. Hindi rin nakakatulong na may malakas ka na motibo para sa digmaan mula sa apoy.

Hades, totoo ba ang sinasabi ni Hermes? May motibo ka para kuhanin ang apoy?

Sinasabi ko na nga bang pangit ang pinili mong asawa, Persephone. Sa lahat ba kasi ng diyos na maaari mong pakasalan, ang diyos pa ng kadiliman?

Ina, hindi ito kasama sa usapan. Huwag niyo nang ipagpilitan kung ano na ang nangyari sa nakaraan.

Manahimik kayong dalawa. (Haharap kay Hermes.) Totoo, may kapangyarihan ako para nakawin ang apoy at totoo na may malakas akong motibo para gawin ito. Subalit, ako’y diyos rin, isang diyos na may prinsipyo.

At ano namang kababalaghan ito?
At ano namang kababalaghan ito?
Persephone:
Ina, tama na!
Ina, tama na!
Hades:
Alam niyo namang malaki ko nang kinamumuhian ang aking mga kapatid. Kahit AKO ang pinakamatanda sa aming tatlo, sa akin pa napunta ang impyernong ito. Sa akin pa napunta ang lugar na nilalayuan ng lahat. Isang madilim na tahanang walang kasama, hindi mo ba alam ang hirap at kalungkutang naramdaman ko?

Hindi. At ayoko nang malaman pa ukol diyan.
Hindi. At ayoko nang malaman pa ukol diyan.
Hades:
Napansin ko lang na… ito ang nararamdaman ng aking mga kapatid nang nalikha ang mga tao. Lagi silang nag-aalala tungkol sa kanila dahil tao lamang ang sumusunod halos sa kanila. Naisip ko… bakit hindi sila Iligtas para maging patas kaming tatlo? Hindi ba’t mas kaayaya iyon?

Hindi ko talaga maiitindihan kung bakit siya pinili mo, Persophone.

Naniniwala ka na hindi salot ng lipunan ang tao?
Hades:
Hindi. Sila lamang ang alam kong nakakapagbigay ng sakit ng ulo kay Zeus at Poseidon. At… may mga bagay rin na matututunan natin mula sa kanila.

At paano mo naman nasabi na may matututunan tayo mula sa kanila?

Simula nung ginawa kitang asawa. Hindi ako susuko sa ating kasal hangga’t hindi natin ito maayos. Tulad ng mga tao.

Ha. Kailangan ko makita na nakangiti lagi ang anak ko simula ngayon. Kung hindi, malalagot ka sa akin, Hades. Talagang malalagot ka.

Wala ba kayong maidadagdag ukol sa pagkawala ng apoy?
Wala ba kayong maidadagdag ukol sa pagkawala ng apoy?
Persephone:
Ang kumuha siguro ng apoy ay may mabuting intensyon para sa mga tao. Kung iisipin natin ito ng mabuti, wala naman talagang makikinabang kung may magnanakaw ng apoy maliban sa tao.

Sana malutas kaagad ito. Nais ko nang makita muli ang kagandahan ng ating templo.

Paalam na po.
Paalam na po.
(Makikita si Hermes
na nakatayo sa isang gubat malapit sa kinatatayuan ng bundok ng Olympus.
Maglalakad, at nang makakita ng isang talon, ay lalapit dito at mag-aalay ng
drachma.)
Hermes:
O Iris, diyosa ng bahaghari, ipakita mo sa akin si Chiron.
Iris:
Kinakausap niya ang ilan sa mga Cyclops ni Poseidon ukol sa apoy. Hindi siya maaaring abalihin sa kasulukuyan.

Tulad ng kanina, isa itong importanteng at madaliang bagay.

Masusunod ito. Ngunit hanggang iilang oras lamang ang kakayanin ng iyong usapan.

Bakit naman maikli ang magiging usapan naming ngayon?

Bukas na magaganap ang summer solstice. Humihina ang aking kapangyarihan sa araw na balanse ang panahon ng lahat.

(Lalabo si Iris at
lalabas ang imahe ni Chiron kasama ang Cyclops na si Tyson, anak ni Poseidon.)
Chiron:
Aba! Bakit mo kaming nais makausap? Ukol ba ito sa apoy? Kung ito’y tungkol doon, natitiyak ko sa iyo na wala ang apoy dito. Nais ko lamang manirahan ng mapayapa at wala akong hangarin masira ang kapayapaan nito.

Tyson:
Ganon din kami. Ayaw namin kaguluhan. Gusto kapayapaan.
Ganon din kami. Ayaw namin kaguluhan. Gusto kapayapaan.
Hermes:
May masasabi ba kayo kung sino ang nagnakaw ng apoy?
May masasabi ba kayo kung sino ang nagnakaw ng apoy?
Chiron:
Sigurado ako na walang halimaw ang magdadalita kuhanin ang apoy mula sa inyo. Nakuha na namin ang katahimikan at kapayapaang hinangad namin sa loob ng matagal na paghihintay. Bakit pa namin babawiin ang pangako sa walang hanggang labanan at kadiliman?

Kinupkop kami ni Poseidon para gumawa ng kanyang mga espada. Sumaya kami ng
mawala kami sa mahigpit na pamamahala noon ng mga Titans sa amin. Kung
kailangan ay lalaban kami para sa mga diyos, pero hindi kami lalaban kontra sa
mga diyos.
Hermes:
Pero naguguluhan pa rin ako. Bukas na ang summer solstice at wala pa rin akong kaalam-alam kung sino ang kumuha ng apoy.

Naniniwala akong may sapat ka ng impormasyon at ebidensya. Kailangan mo lamang isipin kung sino ang posibleng diyos na kaya kontrahin ang mga diyos at kuhanin ang apoy.

Pasikat na ang araw. Mamayang gabi na ang summer solstice. Lahat ay manonood at makikinig sa iyo.

Salamat Chiron at Tyson. (Saka niya buburahin ang mga imahe nila sa tubig.) Salamat rin, Iris. (Aalis ang imahe ni Iris habang naglalakad palabas si Hermes, SR)

(Magpupulong na muli
ang mga diyos at diyosa para malaman kung sino talaga ang nakahanap ng apoy.
Naka-upo silang lahat sa kani-kanilang upuan habang ang mga iba ay nakatayo sa
isang podium na nakaharap sa altar. Si Hermes ay nakatingin lamang sa altar
kung saan nakalagay ang kanilang apoy bago siya nagsimula magsalita.)
Mnemocyne:
Alam nating lahat na may naganap na pagnanakaw sa loob ng templo ng mga Olympians. Hindi lamang nawala ang pinaka-ugat ng kanilang sibilisasyon, nasaktan rin ang aking mga anak. Imposibleng isang imortal na nilalang ang nakapasok dito, dahil hindi madali para sa isang diyos ang makapasok sa kahit ninumang templo. Tao lamang ang may kakayahan na malayang makakapasok sa templo at kaya nakawin ang mga nilalaman nito.

Hindi maaaring tao ang makakanakaw nito.
Hindi maaaring tao ang makakanakaw nito.
Mnemocyne:
At paano mo naman ito nasabi, bata?
At paano mo naman ito nasabi, bata?
Hermes:
(Tatatayo at haharap sa lahat) Hindi kaya ng isang simpleng tao na makagawa ng isang dambuhalang apoy na hindi kaya kontrolin ng siyam na muses. Ngunit, isang diyos na may malakas na impluwensiya nang siya’y tao pa ang maaaring kumuha ng apoy.

Kung gayon, ano ang nais mong sabihin? Sino kumuha ng apoy?
Kung gayon, ano ang nais mong sabihin? Sino kumuha ng apoy?
Hermes:
Hindi niyo pa ba nalalaman? Walang iba kung hindi siya! (Ituturo kay Hercules)

Hercules:
Ako? Bakit naman ako?
Ako? Bakit naman ako?
Hermes:
Ikaw ay isang diyos ngayon, ngunit hindi pa rin nawawala ang katapatan mo sa
mga tao, hindi ba?
Hercules:
Ha! Wala kang ebidensiya para sabihin na ako nga ang kumuha ng apoy!

Doon ka nagkakamali. Maraming ebidensiya na tumuturo sa iyo.
Doon ka nagkakamali. Maraming ebidensiya na tumuturo sa iyo.
Hercules:
Ang yabang mo ngayon. May nahanap kang ebidensiya na tumuturo sa akin? Tulad ng ano?

(Ituturo ang sahig at ang altar.) Madaling makikita na may mga bakas ito mula sa isang mabigat at matulis na bagay. Isang espada kaya?

Marami sa atin ay may mga espada na hawak mula sa mga nakaraang nangyari.

Ngunit ako’y may isa pang ilalabas. (Ilalabas ang mga piraso ng tela.) Hindi ba
ikaw lamang ang mga diyos dito na nakakapagsuot ng ganitong tela? (Ituturo ang
sahig.) Ang gintong dugo… isang taong naging imortal ang maaari lamang ng
ganitong dugo. Aminin mo na. Ikaw ang magnanakaw.
Hercules:
Hindi… hindi ako. (Maaaring mag-adlib si Hercules habang siya ay inaakusahan.)
Hindi… hindi ako. (Maaaring mag-adlib si Hercules habang siya ay inaakusahan.)
Mnemocyne:
Sisiguraduhin ko na makakamit ng anak ko ang hustisyang karapat-dapat sa kanya.

Ares, arestuhin mo na siya.
Ares, arestuhin mo na siya.
(Habang inaaresto si
Hercules ay unti-unting maglalakad palabas si Prometheus. Kukuha ng sabat si
Hermes pinakamalapit sa kanya at ihahagis it okay Prometheus.)
Hermes:
Nahuli rin kita, magnanakaw.
Nahuli rin kita, magnanakaw.
Hermes:
Ano ang ginawa mo para makuha ang apoy ng Olympus?
Ano ang ginawa mo para makuha ang apoy ng Olympus?
Prometheus:
Niloko ko ang isipan ni Hercules para gawin iyon. Pinapunta ko siya sa Olympus mula sa likod para hindi siya makita ng siyam na muses. Doon ko pinasira sa kanya ang altar at nakawin ang apoy. Para siguradong walang makakatanda sa nangyari ay nagkalat ako ng malalakas na apoy na kung ito’y langhapin, makakalimutan niya ang mga nakaraang nangyari.

Bakit si Hercules pinili mo, Prometheus? Sa lahat ng mga maaaring lokohin, bakit siya pa?
Bakit si Hercules pinili mo, Prometheus? Sa lahat ng mga maaaring lokohin, bakit siya pa?
Prometheus:
Tulad ng iyong sinabi. Isa siya sa mga kakaunting imortal na malayang nakakapunta sa iba’t ibang templo na hindi napapansin ng mga diyos.

Sinabi mo sa akin noon ay wala ka nang pakialam sa mga tao. Hindi ba’t nilulunok mo lang ang iyong salita sa pamamagitan ng paggawa nito?

Lahat ay ginawa dahil mayroon itong natatakdang layunin sa buhay. Kapansin-pansin na ang tao ay nakakapagbigay sa atin ng mga leksyong hindi natin kaagad matututunan. Pinapakita sa atin ang mahahalagang bagay ukol sa katapatan, pag-ibig at ang halaga sa isang pamilya. Ang buhay ay isa lamang bilog na umuulit habangbuhay. Lahat tayo ay nabubuhay para mamatay rin sa huli. Mula sa kamatayan, ay makakasilang tayo muli. Mahirap siya itindihin ngayon, ngunit, baling-araw, makikita rin ng lahat tayo ay ang mangangailangan sa tao, hindi sila, sa atin.

(Pagkatapos ay magsasara ang kurtina. Pagbukas
ay magaganap ang isang sayawan at kantahan na nagpapakita ng kanilang
pagdirirwang sa makabagong daanan na lalakarin nilang lahat.)
WAKAS
No comments:
Post a Comment